--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip sa drug buy bust operation ang umanoy notorius ng magnanakaw sa Solano, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Insp. Ignacio Layugan Jr., hepe ng Solano Police Station, sinabi niya na ang pagkakadakip sa suspek na si Victorino Santiago, 27 anyos, residente ng Quezon, Nueva Viscaya ay nag-ugat sa isang sumbong mula sa isang concerned citizen kaugnay sa kanyang pagtutulak ng illegal na droga.

Dinakip siya matapos bentahan ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ang nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P/500.00.

Nakuha rin sa pag-iingat ng suspek ang 3 pang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

--Ads--

Bago isinagawa ang operasyon laban kay Santiago ay nagnakaw umano siya sa bayan ng Solano.

Isa umanong bag ang kanyang sinungkit noong araw ng linggo.

Ayon kay Chief Inspector Layugan, bagamat tinatayang dalawang buwan pa lang sangkot sa illegal drug activities si Santiago ay marami na umano siyang kinasangkutang pagnanakaw.

Nakulong na si Santiago noong nakalipas na taon sa Tuguegarao City dahil umano sa pag-akyat ng bahay ngunit napawalang saysay ang kanyang kaso dahil sa kawalan ng interes ng mga nabiktima.

Hinikayat ni Chief Inspector Layugan ang iba pang biktima ni Santiago na lumapit sa kanilang himpilan upang masampahan siya ng kaso.