--Ads--

CAUAYAN CITY – Ngayong araw na ang ikasiyam na araw ng novena masses bilang paghahanda sa kapistahan ng Birheng Milagrosa ng Guibang bukas, ikadalawa ng Hulyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fr. Gregorio Marvic Uanan ng NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE VISITATION, magkakaroon ng tatlong misa ngayong umaga at ang huling novena ay mamayang hapon.

Pagkatapos ng misa ay magkakaroon ng prusisyon ng imahe ng Birheng Milagrosa ng Guibang kasama ang mga santo patron ng ibat ibang parokya ng karatig bayan at pagkatapos ng prusisyon ay magkakaroon ng Vigil Mass.

Sa mismong kapistahan sa ikadalawa ng Hulyo ay magkakaroon ng misa bawat isa at kalahating oras hanggang ikapito ng gabi.

--Ads--

Ayon pa kay Fr. Uanan kung ikukumpara noong nakaraang taon mas dumami pa ang bilang ng mga debotong dumadalo sa mga nobena na nasa 600 hanggang 1200 bawat araw pangunahin na sa panghapong misa.

Dahil inaasahang dadami pa ang dadalo ay nagdagdag na sila ng misa simula ngayong araw upang maiwasan ang congestion sa dami ng tao.

Aniya ang tema ng kapistahan ngayong taon ay Mary, our Guide in the Synodal Journey na bagong tinatahak ng simbahan.

Tiniyak naman ni Fr. Uanan ang kanilang  koordinasyon sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng PNP at barangay upang maging maayos ang daloy ng trapiko at seguridad ng mga tao.

Pinaalalahanan naman niya ang mga magtutungo sa misa na maging mapagmatyag sa mga mandurukot dahil sa mga ganitong sitwasyon nagkalat ang mga masasamang loob.