--Ads--

CAUAYAN CITY– Kinumpirma ng isang Surrenderee sa mga otoridad na kasapi ng rebeldeng New Peoples Army ang dinakip na isang magsasaka na nasamsaman ng mga pampasabog, baril at subersibong dokumento sa Maddela, Quirino.

Nauna rito ay nasamsam ang maraming Improvised Explosives Devise (IEDs), isang Cal. 45 baril, dalawang magazines na may lamang bala, mga subersibong dokumento at laptop sa sinagawang search warrant sa San Jose, Maddela,Quirino.

Nadakip sa nasabing search warrant si Kevin Almulngo alyas Ka RJ at residente ng San Jose, Maddela,Quirino at sinasabing isa sa mga rebeldeng lumusob sa Maddela Police Station

Ang Search Warrant ay ipinalabas ng Regional Trial Court sa Echague, Isabela at isinilbi ng pinagsanib na puwersa ng mga kasapi ng Police Regional Office number 2 , Military Intelligence Group 2, Intelligence Service of the Armed Forces, 5th Military Intelligence at 86th Infantry Battallion.

--Ads--

Ang suspek ay ihaharap sa media ng mga otoridad sa isasagawang press conference sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office