--Ads--

CAUAYAN CITY- Sa pamamagitan ng mga leaflets ay nangangalap umano ang kilusang komunista ng kanilang bagong kasapi.

Pinupuntirya umano ngayon ng komunistang pangkat ang ilang eskuwelahan at malalayong barangay.

Ito ang ibinunyag ng pamunuan ng 502nd Infantry Brigade sa bahagi ng kanilang ginawang assessment at paglalahad ng kasalukuyang insurgency situation sa kanilang nasasakupan pangunahin na sa Isabela.

Ayon kay Col. Bartolome Bacarro, brigade commander ng 502nd Infantry Brigade nakumpirma din umano nila ang pagbibigay ng mga extortion letters na galing sa mga kasapi ng NPA.

--Ads--

Pangunahing pinupuntirya ng NPA sa kanilang extortion activities ay ang mga business establishments at construction companies.

Gayunman sinabi ni Col. Bacarro na ang gawaing ito ng mga NPA ay tinutularan o ginagawa na rin ng mga mapagsamantalang grupo o tulisan upang makapangikil din sa mga negosyante.