--Ads--

CAUAYAN CITY- Welcome development para sa National Public Transport Coalition (NPTC) ang pagiging bukas ng bagong administrasyon ng Department of Transportation o DOTr sa ilalim ni Sec. Vince Dizon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NPTC convenor Ariel Lim, sinabi niya na matagal na nilang isinusulong ang muling pag-aaral sa Public Utility Vehicle Modernization Program o PUVMP.

Aniya, nakapakagandang balita para sa kanila ang pasya ng Department of Transportation o DOTr na muling suriin ang naturang programa.

Sa katunayan aniya ay una na silang nagkaroon ng pag-uusap kasama ang bagong kalihim ng DOTr na si Vince Dizon at tinanong ang ano ba ang dapat na gawin sa PUVMP.

--Ads--

Kung matatandaan na ilan sa mga nakitang butas sa programa ay ang pondo na gagamitin para ma-sustain ang pangangailangan ng mga nasa sector ng transportasyon maliban pa sa ilang mga pangamba sa pag-manage sa mga consolidated units and members.

Pinaka malaking naging problema ay ang walang maayos na ruta para sa mga consolidated unit na nag bunga ng agawan sa panig ng mga modernized jeeps at tricycle sa ilang mga Lalawigan at bayan.

Aniya matagal na itong problema dahil hindi totoo ang napaparating na impormasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kaya malaking pasasalamat niya dahil naging bukas na ngayon ang ahensya para pakingan ang hanay ng transportasyon.

Nanawagan naman siya sa buong hanay ng transportasyon na maging patas partikular ang mga pro-modernization at mga tutol sa modernisasyon para makapag salubong sa gitna at magkaroon ng solusyon gayundin na isantabi ang personal na interest.

Samantala, muling binigyang diin ng NPTC na hindi nila kailangan ng band aid solution sa patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Aniya sa halip na panandaliang solusyon ay bumuo na lamang ang Pamahalaan ng programang magbibigay ng agarang solusyon at isa dito ang pansamantalang suspensyon ng excise tax sa langis.

Umaasa parin sila na mabibigyan ng pagkakataong mapansin ng mga kaukulang ahensya ng Pamahalaan ang kanilang kahilingang suspensyon sa excise tax.