Pabor ang National Public Transport Coalition (NPTC) sa hakbang ng Land Transportation Office (LTO) na gawing 15-working days ang pag-settle ng mga traffic violations sa halip na 15-calendar days.
Ito ay matapos makatanggap ng backlash ang ahensya kaugnay sa pag-ticket nito sa anak ng isang vlogger dahil sa umano’y reckless driving kung saan hindi nito nagawang I-settle ang violation sa loob ng 15-calendar day deadline dahil sa holiday season.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NPTC Convenor Ariel Lim, sinabi niya na sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng sapat na panahon ang mga violators na ilakad ang mga kinakailangang dokumento.
Maliban dito ay hindi rin kukumpiskahin ang lisensiya ng violators, bagay na tinutulan naman ni Lim dahil maaari umanong maging dahilan pa ito ng mga violators na huwag na lamang I-settle ang kanilang mga violations.
Pinayuhan naman niya ang mga motorista na sumunod sa batas trapiko at kung sakali mang lumabag ay agad na tumalima sa itinakdang araw ng LTO upang I-settle ang violations at maiwasan ang tuluyang pagkawala ng lisenya.











