--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiwala ang Nueva Ecija Police Provincial Office na maaresto ang nalalabing mga identified suspect sa Victory Bus shooting sa Carranglan, Nueva Ecija.

Ito ay matapos na masampahan na ng kaso na double murder si Allan Delos Santos at mga kasamahan nito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Franklin Sindac, tagapagsalita ng Nueva Ecija Police Provinccial Office, sinabi niya na halos higit isang buwan silang nagsagawa ng malalimang imbestigasyon sa naturang pamamaril hanggang sa natukoy ang ilan sa sinasabing anim na kataong sangkot sa pagpaslang sa maglive-in partner na sina Gloria Atilano at Arman Bautista

Ang pinakahuling naaresto ay si Allan Delos Santos na positibong kinilala ng ilang witness na nakapanoond sa footage ng pamamaril.

--Ads--

Batay sa ginawa nilang back tracking natuklasan na marami itong nakabinbing kasong rape at sexual assault.

Si Delos Santos ay nadakip ng mga otoridad sa Dilasag, Aurora habang tinatangka nitong tumakas patungong Palanan, Isabela at nakuha sa kaniyang pag-iingat ang damit na suot nito noong naganap ang pamamaril.

Nagbigay din siya ng extrajudicial confession at itinuro niya ang master mind sa pagpatay sa naturang mga biktima at isinasangkot ang mismong anak ng biktimang babae na si Charlito Atilano.

Hihintayin na lamang nila na lumabas ang warrant of arrest upang dakpin na rin ang iba pang suspek.

Tinig ni PCapt. Franklin Sindac.