--Ads--

CAUAYAN CITY– Nakapagtala ng 28 panibagong COVID-19 positive sa dalawang bayan sa Nueva Vizcaya.

Batay sa inilabas na talaan ni Dr. Edwin Galapon ng Regional Epidemiology and Surviellance Unit ang 15 panibagong kaso ng COVID-19 ay naitala sa bayan ng Bagabag at 13 ang naitala sa Bayombong.

Dahil dito umakyat na sa 467 ang total confirmed case ng COVID 19 sa Nueva Vizcaya, 166 ang total recoveries, 287 ang active cases at labing apat ang nasawi.

--Ads--

Magugunitang unang nang inihayag ng DOH region 2 na ang lalawigan ng Nueva Vizcaya ang itinuturing na epicenter ng COVID-19 sa region 2.