--Ads--

CAUAYAN CITY Pormal nang idineklara bilang Insurgency-Free ang lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ito ay matapos maipasa sa Provincial Peace and Order Council, Provincial Anti-Drug Abuse Council, at ang Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTC ELCAC) ang probinsya ng Nueva Vizcaya bilang “Insurgency-Free” matapos na magpasa ng resolusyon sa 4th quarter regular meeting noong nakaraang taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Empizo Angalao, Acting Commanding Officer, 86th Infantry Battalion Philippine Army sinabi niya na ang naturang hakbang ay dahil sa kawalan na ng presenya ng NPa sa mga liblib na lugar sa Lalawigan sa loob ng dalawang taon kasabay na rin ng pagbabalik loob o pagtalikod sa NPA ng mga dating MASA o taga suporta ng makakaliwang grupo.

Mismong mga matataas na opisyal ng AFP at PNP maging ang Porvincial Government ng Nueva Vizcaya at  ibat ibang local officials ang dumalo sa nasabing aktibidad.

--Ads--

Sa pamamagitan nito ay tinitiyak ng 5th ID na magpapatuloy ang kanilang opensiba kasabay ng pahahatid ng Serbisyo sa bawat residente ng Lalawigan katuwang ang mga naorganisang People’s Organization.

Umaasa sila na ang pagdeklara bilang insurgency free sa Nueva Vizcaya ay magbibigay daan para sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng Lalawigan na magbibigay ng mas maraming kabuhayan sa Novo Vizcayano.