--Ads--

Pagpapatayo ng mga mass housing para sa mga mahihirap ang pangarap na proyekto ng number 1 sa Architecture Licensure Examination na taga-Dinapigue, Isabela at nagtapos na cum laude sa Saint Louis University (SLU) sa Baguio City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Architect Jefferson Sabiano Ventura, residente ng Dinapigue, Isabela, sinabi niya na may mga nag-aalok na sa kanya ng trabaho ngunit nais niyang magtrabaho muna sa bansa upang makatulong sa mga mahihirap.

Sinabi pa ni Architect Ventura na kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay mass housing ang kanyang nais na proyekto dahil malaki ang backlog sa pabahay para sa mga mahihirap na Pilipino.

Si Architect Ventura ay nagtapos na 3rd honor sa elementarya at 4th honor sa sekundarya sa St John Berchman High School sa Cordon, Isabela

--Ads--

Sinabi niya na accountancy ang una niyang ini-enrol ngunit nagdalawang isip siya makaraang makitang malayo ang campus sa city center kaya nagpalit siya ng kurso at nag-enroll ng kursong Architecture dahil mahilig din siyang mag-drawing.