--Ads--
Naaresto ng mga otoridad ang isang notoryus na wanted person na kinilalang si alias “Victor”, 41 anyos, kasal, at magsasaka, residente ng Barangay Disulap, San Mariano, Isabela, na kabilang sa Top 3 ng Regional Most Wanted Persons (MWP) list.
Ayon sa ulat, ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng San Mariano Police Station katuwang ang PIU-IPPO, sa bisa ng Mandamiento De Aresto na inisyu ng isang Presiding Judge ng RTC, Second Judicial Region, Branch 18, Ilagan City noong Disyembre 19, 2025, na walang inirekomendang piyansa.
Ang naarestong notoryus na suspek ay kaagad na dinala sa kustodiya ng San Mariano Municipal Police Station bago i-turn over sa court of origin.
--Ads--











