--Ads--

CAUAYAN CITY – Labis ang pasasalamat sa Panginoon ng Number 4 sa katatapos na October 2023 Veterinarian Licensure Examination na tubong Alicia, Isabela sa bunga ng kanyang pagsisiskap para sa pagsususlit.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Katherine Dion Nera, Number 4 sa katatapos na October 2023 Veterinarian Licensure Examination, sinabi niya na halos hindi siya makapaniwalang siya ay makakapasa at mapapabilang sa mga top notchers.

Aniya, wala siyang ideya na makakapasa siya dahil mula ng matapos ang board exam ay wala siyang ibang ginawa kundi hintayin ang resulta.

Para sa kanya ay naging malaking tulong ang patuloy na devotion, panalangin at pagsusulat sa kanyang journal para siya ay magabayan na nagkaroon ng magandang bunga.

--Ads--

Ayon kay Dr. Nera naging malaking pagsubok sa kanyang buhay ang maagang maging ina dahil ito ang mga panahon na sumuko siya subalit hindi siya sinukuhan ng kanyang mga magulang sa kabila ng mga pagsubok.

Nasa 4th year college siya ng mapagtanto niya na para sa kanya ang pagiging beterenaryo na naging susi para siya ay mas magpursigi hanggang sa makapagtapos at makapag board exam.

Inaalay niya ang kanyang tagumpay sa Panginoon, sa kanyang mga magulang, asawa, anak at sa mga taong naging bahagi ng kanyang tagumpay.