--Ads--

CAUAYAN CITY– Pagiging scientist ang unang pangarap na Number 7 sa PMA BAGSIK DIWA Class 2022,ayon sa kanyang ina.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Maryrandie Frias, ina ni 2ndLt. Jesie Mar Frias na nagtapos bilang Number 7 sa PMA Bagsik Diwa Class 2022 na sa ngayon ay hinihintay na lamang ng kanyang anak ang kautusan ng pamunuan Phil. Army kung saan siya maglilingkod.

Sinabi ni Ginang Frias na nakahanda naman siya kung anuman ang assignment na maibibigay sa kanyang anak dahil ang kanyang mister miyembro rin ng Phil. Army.

Noong una anya ay pumasa ang anak sa entrance exam ng PMA ay hindi siya naging interesado kundi nag-enroll at nag-aral pa sa UP Diliman dahil nais nitong maging scientist at ang kukunin sana nitong kurso ay Chemical Engineering.

--Ads--

Kinakailangan din anyang kumbinsihin nila ang kanyang anak na pumasok sa PMA bago nagka-interest na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Akademya.

Mayroon anyang ROTC ang anak noong nag-aaral sa UP Diliman at maaring napagtanto nito na mas nakakabuti para sa kanya ang pumasok sa PMA para makapaglingkod sa bayan tulad ng kanyang ama.

Bahagi ng pahayag ni Ginang Maryrandie Frias