--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipapatupad na ang General Community Quarantine (GCQ) sa buwan ng Mayo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Bernard Dy, sinabi niya na ang hakbang na ito ay bilang pagtalima sa inilabas na listahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Gayunman ay magiging strikto pa rin ang mga kinaukulan sa pagpapatupad ng mga alituntunin ng pamahalaan.

Aniya, ipapatupad pa rin ang mahigpit na pagsusuot ng face mask, pagsunod sa social distancing, tamang hygiene, sa mga establisyemento na magbubukas ay dapat kumpleto ang mga kagamitan sa paglilinis at ipinagbabawal ang mga pagtitipon na sobra sa sampo ang bilang.

--Ads--

Ang mga nasa edad 20 pababa at 60 pataas ay kasama pa rin sa 48 hours na curfew.

Ayon pa kay Mayor Bernard Dy, papayagan na rin ang mga pampublikong sasakyan na magbiyahe subalit kalahati lamang ng kanilang kapasidad ang dapat kargahin para masunod ang social distancing.

Sa mga tricycle naman ay papayagan na rin subalit limampong bahagdan lamang ang papayagang lumabas kada araw.

Tatanggalin na rin ang schedule ng ibang bayan na makapasok sa lunsod subalit kailangan nilang sundin ang odd at even scheme.

Ayon kay Mayor Bernard Dy, mahigpit na ipapatupad ang odd at even scheme.

Ngayong araw aniya ay magkakaroon ng special session ang mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod upang pag-usapan ang panibagong ordinansa ng number coding scheme na ipinapatupad sa lunsod.

Tinig ni Mayor Bernard Dy.