--Ads--

CAUAYAN CITY –  Duda ang National Union of Peoples’ Lawyer of the Philippines (NUPL) sa naging pahayag ng pamunuan ng New Bilibid Prison (NBP) may kaugnayan sa mga high profile inmates na nasawi dahil umano sa Coronavirus Disease (COVID-19).

sa  naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Neri Colmenares, NUPL national chairperson, sinabi niya na duda siya sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng ilang high profile inmates.

Ilan sa kanilang sinisilip ay ang ilang pagbabago sa kalakaran sa NBP dahil sa hindi pagsasapubliko sa pagkakilanlan ng mga bilanggo na nasawi dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Atty. Colmenares na marapat lamang na maisulong ang imbestigasyon ng Senado sa nasabing isyu.

--Ads--

Naghain na sila ng resolusyon sa Senado para sa pagsusulong ng imbestigasyon.

Ayon kay Atty. Colmenares, hindi maiiwasan ang pagdududa sa pagkamatay ng drug convict na si Jaybee Sebastian dahil sa hindi paglabas ng detalye ng NBP.

Ang pahayag ni Atty. Neri Colmenares.