--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaghahanap ng mga kasapi ng Bayombong Police Station ang dalawang lalaking nang-snatch sa shoulder bag ng isang company nurse sa Brgy. Don Mariano Marcos, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay si Chrisalyn Lazaro , 26 anyos residente ng Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya habang nakilala ang dalawang suspek na sina John Ramon alyas Jay-R at Randy Culala, kapwa residente ng Magsaysay, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay P/ Chief Insp. Joberman Videz, hepe ng Bayombong Police Station, sinabi niya na naghihintay ang biktima ng masakyan pauwi sa kanilang bahay nang lapitan ng dalawang lalaki.

Biglang hinablot ng mga suspek ang shoulder bag ng nurse na naglalaman ng cellphone, relo, at iba pa na nagkakahalaga ng Php30,000.00 .

--Ads--

Agad nakahingi ng tulong si Lazaro sa mga tsuper ng tricycle at hinabol ang mga suspek na agad nakatakas.

Ang motorsiklo na lamang na ginamit ng mga suspek ang natagpuan.

Sa pagtunton sa may-ari ng motorsiklo ay agad na nakilala ang mga suspek na kinumpirma ng ina ng isa sa dalawa.

Kasong robbery ang inihahandang kaso laban kina John Ramon at Randy Culala.