--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaabot sa mahigit P40,000 na pera at halaga ng mga alahas ang natangay sa isang nurse matapos masalisihan sa isang restaurant sa Victory Norte, Santiago City.

Ang biktima ay si Gng. Rachelle Garcia,28 anyos gulang,may-asawa, isang nurse at residente ng Diffun,Quirino.

Sa kuha ng CCTV Footage na ipinakita ng Station 2 ng Santiago City Police Office ang biktima kasama ang dalawang ka-trabaho ay nasa loob ng isang bahay kainan nang magkakahiwalay na pumasok ang 5 suspek kinabilangan ng tatlong lalaki at dalawang babae at pumuwesto malapit sa kinaroroonan ng biktima.

Ang biktima ay nakatalikod sa mga suspek habang ang dalawang ka-trabaho ay magkatabing nakaharap sa biktima.

--Ads--

Ang dalawang bag ay nakalagay sa tabing upuan ni Garcia at habang abala silang kumakain ay dito mabilisang kinuha ng lalaki ang isang bag at ipinasa sa ilalim ng mesa sa isa pang babaeng suspek.

Matapos na makuha ang bag ng biktima ay kaagad umalis ang mga suspek at sumakay sa puting Revo at Gray Tamaraw FX

Ang bag ay naglalaman ng humigit kumulang P/10,000.00, mga alahas na nagkakahalaga ng P/30,000.00 at ilang mahahalagang ID.

Sinabi sa Bombo Radyo Cauayan ni Police Senior Indpector Jose Cabaddu Jr, Deputy Station Commander ng Station 2 ng SCPO na sa kilos ng mga suspek ay organisado at maging ang pinagparadahan ng mga sasakyan ay hindi nahagip ng CCTV ang plaka nito.

Sa ngayon anya ay patuloy ang kanilang pagsisiyasat dahil malinaw naman anya ang kuha ng CCTV Camera.