--Ads--

Muling pinatunayan ni Two-time Olympian Ernest John “EJ” Obiena ang kanyang husay matapos masungkit ang gintong medalya sa men’s pole vault event ng 12th Asian Indoor Athletics Championships nitong Sabado.

Si Obiena ay matagumpay na tumalon ng 5.70 metro upang makuha ang pinakamataas na parangal sa prestihiyosong paligsahan.

Tinalo niya ang mga pambato ng China na sina Li Chenyang (5.60m) at Chen Yang (5.40m).

Samantala, si Patsapong Amsam-ang ng Thailand—na naging mahigpit niyang karibal sa nakaraang Southeast Asian Games—ay nakuntento lamang sa ika-apat na puwesto.

--Ads--

Susunod na sasabak ang Filipino pole vault ace ang INIT Indoor Meeting Karlsruhe sa Germany bilang bahagi ng kanyang sunod-sunod na international competitions ngayong taon.