--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaalalahanan  ang Office of Civil Defense (OCD) sa  CALABARZON ang mga paaralan na nagsasagawa ng Fire at  earthquake drill na isaalang-alang ang kaligtasan ng mga mag-aaral at makipag-ugnayan sa mga Local Government Units (LGU)  at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Inihayag ito ni Ginoong Randy de la Paz,  Spokesperson ng   Office of Civil Defense (OCD)  CALABARZON matapos na isugod sa ospital ang 104 na estudyante matapos mahilo at mahimatay habang nagsasagawa ng fire at earthquake drill sa Cabuyao City, Laguna.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Dela Paz na isinagawa ang drill ganap na alas dos  ng hapon noong Huwebes na dinaluhan ng nasa  3,000 estudyante ng Gulod National High School Extension sa Barangay Mamatid.

Habang nagsasagawa ng fire at earthquake drill ay nakaranas ng pagkahilo at nahimatay ang ibang estudyante.

--Ads--

Agad namang dinala sa mga pagamutan ang mga batang nahilo at hinimatay.

Batay  sa pagsusuri ng mga doktor, napagod at sobrang init ng panahon ang dahilan ng pagkahilo at pagkahimatay  ng mga estudyante.

Agadnamang pinauwi ang maraming estudyante matapos malapatan ng lunas maliban sa dalawa mag-aaral na nasa pagamutan na nakakaranas ng hypothyroidism.