--Ads--

Naghahanda na ang Office of the Civil Defense Region 2 o OCD Region 2 na bumuo ng contingency plan bilang paghahanda sa banta ng tsunami matapos maitala ang sunod sunod na pagyanig sa bahagi ng Ilocos Region.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mia Carbonel ang tagapagsalita ng OCD Region 2 sinabi niya na magkakaroon ng emergency meeting ngayong araw ang Office of Civil Defense kaugnay sa sunod sunod na pagyanig na naitatala sa karagatang sakop ng Ilocos.

Aniya, nakipag ugnayan ang NDRRMC at Phivolcs para sa binubuong contingency plan para sa coastal area sa Batanes, Isabela at Cagayan sa posibleng maging aksyon kung magkakaroon ng tsunami dahil sa pagyanig.

Tiniyak naman niya na bawat Local DRRM Council ay may kaniya kaniyang contingency plan na ihahanay sa gagawing emergency meeting.

--Ads--

Makakatuwang din ng OCD Region 2 ang iba ang mga concerned agencies ng Pamahalaan para mahimay ang mga ilalatag na hakbang bilang paghahanda sa sakuna.

Pinawi naman niya ang pangamba ng publiko subalit pinayuhan ang mga ito na maging alerto at obserbahan ang anumang pagbabago sa karagatan.