CAUAYAN CITY – Isasagawa ngayong araw ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa ikalawang rehiyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Michael Conag ng OCD Region 2, sinabi niya na bago pa man ang araw na ito ay nakapagsagawa na sila ng mga webinars.
Isasagawa ang ceremonial pressing ng buzzer para sa Earthquake Drill mamayang alas otso ng umaga sa pamamagitan ng simultaneous facebook live ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan tulad sa facebook page ng OCD Region 2 na Civil Defense Cagayan Valley at Civil Defense PH.
Ayon kay Information Officer Conag, isasagawa ito online bilang pagtalima sa mga panuntunang ipinapatupad upang makaiwas sa Covid 19.
Hinikayat ng OCD Region 2 ang lahat na sumali sa earthquake drill sa pamamagitan ng pagnood sa live stream at pagsagawa ng duck cover and hold sa kanilang mga bahay maliban pa sa isasagawang lectures sa mga stakeholders ng OCD Region 2.
Aniya kailangang isagawa ang earthquake drill upang mapaghandaan at alam ng lahat ang mga dapat gawin tuwing may lindol.