--Ads--

CAUAYAN CITY – Naka-red alert na ang Office of Civil Defense o OCD region 2 dahil sa muling pagtaas ng level ng tubig sa mga mababang lugar sa ikalawang rehiyon bunsod sa patuloy na pag-ulan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Information Officer Francis Joseph Reyes ng OCD region 2 na inabisuhan na ang mga Local Government Units na magpatupad ng preemptive evacuation sa mga nasasakupan nilang lugar na inabot na ng tubig-baha.

Sakali mang makaranas ng intense heavy rain ang ilang bahag ng Rehiyon ay inabisuhan ang mga LGU na magsagawa na ng force evacuation.

Samantala, pitong overflow bridges sa Isabela ang hindi na madaanan dahil sa pag-apaw ng tubig sa Cagayan River habang unpassable na rin ang Cagayan-Pinacanauan over flow bridge sa Lunsod ng Tuguegarao dahil naman sa pagapaw ng Pinacanauan river sa bahagi ng Penia Blanca Cagayan.

--Ads--

Ayon kay Ginoong Reyes, nag-abiso na rin ang Magat Dam na nagpapalabas na ng malaking volume ng tubig.  

Binuksan na ang anim na spillway gate ng dam at may lawak na 12 meters.

Ang bahagi ng pahayag ni Information Officer Francis Joseph Reyes ng OCD region 2.