--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa blue alert status na ngayon ang OCD Region 2 bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong Jolina at ng paparating na Bagyong Kiko.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Dan Michael Villamil ang Operations Officer ng OCD Region 2, sinabi niya na patuloy ang kanilang monitoring sa sitwasyon at patuloy din ang kanilang weather advisories at update sa mga LGUs, sa media at sa mga myembro ng Cagayan Valley DRRM Council.

Nagkaroon ng pre disaster risk assessment ang OCD Region 2 para malaman ang magiging epekto ng bagyo sa rehiyon at mapaghandaan ito.

Nagpapakalat din sila ng impormasyon sa viber, sa sms at sa kanilang social media pages.

--Ads--

Pinaalalahanan na ng OCD Region 2 ang mga LGUs na paghandaan ang paparating na bagyong Kiko lalo na ang mga flood at landslide prone areas.

Pinaghahanda na rin ang mga LGUs ng mga posibleng gawing evacuation centers at pagmonitor sa kanilang area of responsibility.

Ayon kay Ginoong Villamil kailangang makapaghanda ng ibang evacuation centers at hindi gamitin ang mga isolation units upang makaiwas sa virus.

Pinaghahandaan na rin ng OCD Region 2 ang mga logistical supplies na kakailanganin sa disaster response at maliban sa mga relief goods ay idadagdag dito ang facemask at faceshield.

Ipagpapatuloy naman ngayong araw ang pre disaster risk assesment ng OCD kung saan magkakaroon muli ng pagpupulong ang Council upang ibayong makapaghanda sa paparating na bagyo.

Ayon kay Ginoong Villamil kapag mas malapit na ang bagyo ay mas tama o accurate na ang kanilang forecast kaya kailangan na makapaghanda ang lahat.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Dan Michael Villamil ang Operations Officer ng OCD Region 2.