--Ads--
CAUAYAN CITY – Namahagi ang Office of the Civil Defense (OCD) Region 2 ng mahigit sampong milyon na halaga ng Personal Protective Equipment o PPEs sa mga health workers sa rehiyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Dante Balao ng OCD Region 2, sinabi niya na namigay sila kahapon ng nagkakahalaga ng P10.9-million na PPEs sa Cagayan Valley Medical Center, Southern Isabela Medical Center at Region II Trauma and Medical Center.
Aniya, ang gagamit sa mga ito ay mga health workers dahil sila ang pinakahigh risk na mahawaan ng coronavirus disease (COVID-19).











