--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) region 2 na sapat ang tulong para sa pangangailangan ng mga Local Government Units (LGU’s) na patuloy na lubog sa baha dahil sa bagyong Ramon at sa bantang dulot ng bagyong Sarah.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mr. Michael Conag, Information officer ng OCD region 2, sinabi niya na sa kasalukuyan ay 1,876 na pamilya o katumbas ng 5,661 na tao na ang nasa mga evacuation center sa Cagayan.

Aniya, sapat ang lahat ng mga serbisyong ibinibigay ng mga LGU’s sa mga evacuees na inaasahang madadagdagan mula sa mga flood prone areas sa Cagayan at Isabela na posibleng magtungo sa mga itinakdang evacuation centers bilang paghahanda sa bagyong Sarah.

Sa ngayon ay preemptive evacuation pa lamang ang kanilang isinasagawa upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente partikular sa mga flood prone areas bago dumating ang bagyong Sarah na makakaapekto sa mga nakatira sa dulong hilagang Luzon.

--Ads--
Ang tinig ni OCD region 2 Information Officer Michael Conag