--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na inoobserbahan sa Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC) ang isang taga Ifugao na positibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Danilo Alejandro, Chief ng Medical Professional Staff ng R2TMC, sinabi niya na ang binabantayan nila ngayon ay isang lalaki na coast guard officer at 30-anyos.

Umuwi aniya ito noong May 1 at nagkaroon ng sintomas noong May 5.

Nagpa check up siya at kinunan ng SWAB samples.

--Ads--

Pagkalipas ng pitong araw ay dumating ang resulta nito at positibo sa COVID-19.

Sa ngayon aniya ay gumanda na ang kalagayan ng pasyente at isa ng asymptomatic.

Gayunman, hindi naman delikado ang pagiging asymptomatic nito dahil nagpakita siya ng sintomas bago isailalim sa SWAB Test.

Ayon pa kay Dr. Alejandro, nakapagsagawa na rin ng contact tracing at negatibo naman umano ang resulta ng iba.

Tinig ni Dr. Danilo Alejandro.