--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasamsaman ng hinihinalang shabu ang isang overseas filipino worker (OFW) sa isinagawang drug buy bust operation sa Castillo, Echague, Isabela.

Ang nasamsaman ng tatlong sachet ng shabu, buy bust money na P1,000 at cellphone ay si Richmond Molina Dumon, residente ng Gumbawan, Echague, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Pmaj. Michael Esteban, hepe ng Echague Police Station na sa kabila ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine sa nasabing bayan ay hindi pa rin nagpapabaya ang mga pulis sa kanilang anti-criminality operations pangunahin na sa illegal na droga.

Sinabi ni Pmaj. Esteben na si Dumon ay minamanmanan pa nila noong last quarter ng taong 2019 dahil sa impormasyong nagbebenta ng illegal na droga sa nasabing bayan.

--Ads--

Nakatanggap ng impormasyon ang mga kasapi ng Echague Police Station na ang pinaghihinalaan ay nasa barangay Castillo upang magbenta ng illegal na droga.

Kaagad bumuo ng team ang Echague Police Station at dito naaktuhang nagbebenta ng illegal na droga ang pinaghihinalaan.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang makakuha ng impormasyon kung sino ang nagtutustos ng illegal na droga sa pinaghihinalaan.

Tinig ni Pmaj. Michael Esteban.