--Ads--

CAUAYAN CITY- Inihatid na sa huling hantungan ang overseas filipino worker na namatay sa Lebanon na si Alma Cristobal ng San Mateo, Isabela.

Hindi pa rin umano makaniwala ang asawa na si Christopher Cristobal na nagpatiwakal ang kanyang misis.

Anya wala namang bali o sugat ang katawan ng kanyang misis bagamat hindi na nila ito ipina-autopsy dahil naaawa na umano sila sa lagay ng katawan nito.

Naniniwala siya na may foul play na nangyari at nanawagan sa pamahalaan na bigyang katarungan ang sinapit ng kanyang asawa sa Lebanon.

--Ads--

Magugunitang si Alma Cristobal ay sinasabing nahulog sa gusali habang nagsasampay ng kanyang nilabhan sa Lebanon habang may ilang lumabas na nagpatiwakal.

Sinasabing mayroong nakakitang isang ring OFW na nasa likuran ng biktima ang kanyang amo bago ang sinasabing pagkahulog nito mula sa gusali.