CAUAYAN CITY– Inaasikaso na ang mga papeles para maiuwi ang bangkay ng isang overseas filipino Worker na namatay sa Macau dahil sa sakit.
Ang namatay ay si Ginang Myrna Cataina Soriano, 44 anyos, residente ng Roxas, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni John Michael Soriano ng Roxas, Isabela, anak ng namatay na iniinda na ng kanyang ina ang thyroid cancer na nagdudulot sa kanya ng hirap na paghinga.
Sinabi ni John Michael na na-cardiac arrest ang OFW na naging dahilan para ma-comatosed at binawian ng buhay noong tanghali ng ikasampo ng Mayo ngayong taon.
Ang bangkay anya ng kanyang ina ay nasa punerarya at nakatakdang iuwi sa bansa sa ikadalawamput walo ngayong Mayo sa kanilang bahay sa Roxas, Isabela.
Magdadalawang taon na sana sa buwan ng Agosto sa Macau ang namatay na OFW.
Samantala, nauna nang nangibang bansa sa Lebanon bago nagtungo sa Macau. .
Hinihintay anya ng kanyang ina ang kanyang repatriation dahil sa ngayon ay sarado pa ang Macau dulot ng pandemya.
Nagpapagamot anya ang kanyang ina at pinayuhan ng kanyang manggagamot sa Macau na ipagpatuloy na lamang ang kanyang medication dito sa Pilipinas kung saan sasailalim sana sa Chemotherapy.











