--Ads--

CAUAYAN CITY– Labis na nagpasalamat sa Bombo Radyo Cauayan ang isang Overseas Filipino Worker (Ofw) sa Oman matapos tugunan ng labor attache ang kanilang hinaing.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Joel Agustin na tubong Nueva Ecija at waiter sa Oman na nakipag-ugnayan na sa kanila ang labor attache ng Oman at nangakong mabibigyan sila ng tulong.

Sinabi pa ni Agustin na ang tinitipid na lamang nilang kainin ay ang ibinigay ng kanilang mga kapwa OFW’s na naawa sa kanila matapos mabasa sa social media ang paghingi nila ng tulong.

Sa loob anya ng mahigit isang buwan na lockdown ay minsan lang silang kumakain sa loob ng isang araw.

--Ads--

Sa ngayon anya ay nangako ang Labor Attache ng Oman na makakatanggap sila ng tulong na mula sa DOLE DOLE-AKAP Cash Assistance na nagkakahalaga ng dalawang daang U.S. Dollar.

Nauna rito ay nagbabala si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga labor attache ng Oman kapag hindi natugunan ang problema at hinaing ng mga OFWs na naapektuhan ng COVID 19 ay pauuwiin sila sa Pilipinas.