--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging masaya ang mga taga South Korea at mga oversea filipino workers sa nasabing bansa sa pagpupulong nina South Korea Pres. Moon Jae-in at North Korean leader Kim Jong-un.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Jayvee Haligao, tubong kasibu, Nueva Vizcaya at nagtatrabaho ngayon sa Guangzhou , South Korea na masaya silang mga overseas Filipino Workers at mga kasamahan sa trabaho na mga koreano sa pag-uusap na ng dalawang lider .

Inihayag ni Haligao na dahil sa kasiyahan nang makitang nagkamayan ang dalawang lider ng bansa ay kinamayan din siya ng kanyang kaibigan na koreano na simbolo umano ng kapayapaan.

Sinabi pa ni Ginoong Haligao na umaasa ang mga taga South Korea na magiging tuloy tuloy na ang pagkakaintindihan ng kanilang bansa sa North Korea.

--Ads--

Ito ay dahil kapag nagsasagawa ng missile test ang North Korea ay nakakaramdam ng takot ang mga nasa malapit sa boundary ng dalawang bansa.