--Ads--
CAUAYAN CITY – Bumuo na ang mga Overseas Filipino Worker sa Italy ng Task Force on COVID-19 dahil apektado na rin sila ng nasabing sakit.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nonieta Adena, head ng task force on COVID-19 at Vice President ng OFW Watch sa Italy, sinabi niya na nakakabahala na ang pagkalat ng COVID-19 sa Italy dahil dumarami na ang tinatamaan at namamatay na ikinaapekto na rin ng mga OFW kaya napagpasyahan nilang bumuo ng isang task force.
Anya ang binuong Task Force on COVID-19 ay mga OFW sa Italy ang mga kasapi.
Layunin nitong makapagbigay ng mga impormasyon sa mga kapwa OFWs sa buong Italya gayundin na makapagbigay ng tulong sa mga Pilipinong nasa Italy.
--Ads--











