--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanawagan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Saudi Arabia na ibigay na ng pamahalaan ang pangakong 200 U.S. Dollar na tulong sa kanila.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jerry Layco, OFW sa Jeddah, Saudi Arabia, sinabi niya na dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa ay muling nagpalabas ng anunsyo ang kaharian ng Saudi Arabia sa mahigpit na pagpapatupad ng total lockdown.

Bukod sa total lockdown ay ipinaalala pa ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang ipinapatupad na 24-hours curfew hour.

Dahil sa ipinapatupad na curfew hour ay mahigpit ng ipinagbabawal ang paglabas ng mga mamamayan.

--Ads--

Malaking tulong anya sa kanilang mga OFW ang 200 U.S. Dollar dahil “no work no pay” sila ngayon.

Sinabi pa ni Layco na karamihang mga OFWs ay wala ng trabaho sa nasabing bansa.

Tinig ni Jerry Layco.