--Ads--
May aasahang rollback sa mga produktong petrolyo ang mga motorista sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), posible ang 20 centavos hanggang 50 centavos na tapyas-presyo sa kada litro ng diesel o krudo habang nasa 10 centavos hanggang 25 centavos naman ang maaring mabawas sa kada litro ng kerosene o gaas.
Ang gasolina ay maaring walang maging paggalaw o mabawasan ng 30 centavos kada litro.
Ang posibleng rollback ay epekto ng trade war at mataas na demand ng langis sa pandaigdigang merkado.
--Ads--
Nag-anunsyo kasi ang Saudi Aramco na itataas nito ang kanilang oil prices para sa mga Asian buyers dahil sa mataas na demand sa China at India maging ang pagbaba ng produksyon sa langis ng OPEC.