--Ads--

Kinakailangan nang amyendahan ang omnibus election code upang palawigin ang probisyon para sa Nuisance Candidate.

Ito ay matapos linawin ng Korte Suprema na hindi dapat maging batayan ng pagdedeklara bilang Nuisance candidate ang kawalan ng campaign fund, hindi pagiging kilala at mababa ang tiyansang manalo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst at Constitutionalist, sinabi niya na hindi na angkop ang probisyon hinggil sa Nuisance Candidate kaya naman kinakailangan nang humigi ng tulong Commision on Election  sa Kongreso para sa pag-amyenda rito.

Kailangan umano nilang maglatag ng mga batayan para magdeklara ng nuisance candidate nang hindi tinititingnan ang financial capacity ng isang kandidato.

--Ads--

Ayon aniya sa Omnibus Election Code ang Nuisance Candidate ay tumutukoy sa mga indibidwal na walang seryosong intensyon sa kanilang pagtakbo sa halalan.

Malaki aniya ang magiging epekto nito sa Comelec dahil mahihirapan ang ahensya na busisiin ang bawat indibidwal na nagsusumite ng certificate of candidacy.

Gayunpaman ay dapat umanong I-require ang mga kakandidato na maglatag ng kanilang mga Program De Gobierno, dapat din silang magkaroon ng social media accounts o website kung saan nakalatag ang kanilang mga gagawing programa at pwede silang kontakin ng publiko hinggil sa kung paano nila ipapatupad ang kanilang mga programa.

Sa pamamagitan aniya nito ay makikita ang instensyon ng isang kandidato dahil sa nakalatag na ang kaniyang mga gagawing aktibidad kapag siya ay nahalaa.