--Ads--

CAUAYAN CITY- Ipinapatupad na ang ipinasang ordinansa na pinamagatang “one minute prayer” sa buong Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Sangguniang Panlunsod Member De Jesus na nakapaloob sa nasabing ordinansa na pagsapit ng eksakto alas sais ng gabi bawat araw ay may patutunuging malakas na sirena bilang hudyat para tumigil ang lahat sa mga ginagawa at manalangin sa loob ng isang minuto.

Maging ang mga sasakyan na bumibiyahe at nasa Santiago City ay kinakailangang huminto ng isang minuto at manalangin ang mga sakay nito.

Dati na anyang itong kaugalian ng Lunsod ng Santiago na dapat lamang maibalik.

--Ads--

Layunin nitong maimulat ang mga kabataan na manalangin at magpasalamat sa mga biyayang natanggap maghapon

sa nasabing ordinansa ay exempted ang mga emergency cases tulad na lamang kung tutugon ang mga bombero sa mga sunog at ang mga ambulansiya na mayroong ibibiyaheng pasyente.

Ang ordinansa ay inakda ni Sangguniang Panlunsod Member Paul De Jesus, Chairman ng Committe on Public Ethics.