CAUAYAN CITY – Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) Isabela na kasalukuyan na ang implementasyon ng kanilang online appointment system.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Julius Emperador ng PSA Isabela, sinabi niya na noong buwan ng Pebrero pa nila sinimulan ang nasabing sistema at lahat ng transaksyon ay kailangan nang i-book ng kliyente sa kanilang website na (appointments.psa.gov.ph).
Tiniyak niya na ito ay libre at mas pinabilis na ang proseso pangunahin ang mga nais kumuha ng National ID at birth certificate.
Paraan nila ito upang maiwasan ang siksikan sa kanilang mga PRS Outlets.
Para naman sa mga walang gagamitin sa online transaction ay maari naman silang mag-walk in sa mga PRS outlets at may empleyado ng PSA na gagabay sa kanila para sa online appointment.
Nakadipende naman sa dami ng appointments kung kailangan pang i-reschedule sa susunod na araw o diretso na matapos ang pagproseso sa appointment ng kliyente
Naranasan ang dagsa ng kliyente sa mga nagdaang araw dahil sa mga sundalo at pulis na nag-update ng kanilang registration.
Tiniyak naman ni Provincial Director Emperador na mayroon pa ring walk-in sa kanilang tanggapan upang ma-accommodate ang mga hindi kayang mag-online para sa transaksyon pangunahin na ang mga urgent.