Nahuli ng Regional Anti-Cyber crime unit (RACU) 2 ang isang indibidwal sa Tuguegarao City, Cagayan dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na paputok online.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpl. Cristobal Furugganan, imbestigador ng RACU 2, sinabi niya na ang na ang kabuuang halaga paputok na nasamsam sa suspek ay umaabot ng ₱11, 750.
Kabilang sa mga ibinenta nito online aya ang Pla-pla, Pikulo, at Belt ni Hudas.
Ayon kay PCpl. Furugganan, nang may ma-monitor sila online na nagbebenta ng ilegal na paptutok ay agad siyang nakipag-ugnayan sa Regional Civil Security Unit 2 na nagre-regulate sa pagbenta ng paputok at nagbigay ng certification sa nagbebenta ng paputok para sa business permit. Nakipag-ugnayan din siya sa Business Processing Licensing Office at dito natukoy na walang permit to sell ang naturang online seller.
Agad namang nagsagawa ng entrapment operation ang kanilang hanay at dito na nahuli ang suspek.
Nagpapatuloy pa rin sa ngayon ang pagmomonitor nila sa mga online sellers na nagtitinda ng illegal firecrackers sa Rehiyon.






