--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinasinayaan ang paggamit ng Online Transaction sa para ilang tanggapan ng local government ng Ilagan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni General Sevices Officer Ricky Laggui na sa pamamagitan ng Online Transaction ay maaari nang mag-apply ang mga mamamayan sa website ng pamahalaang lunsod ng Ilagan para sa mga transaction ng Business Permit and Lisensing Office o BPLO at City Tresurers Office.

bukod dito ay maaari na ring magbayad online para sa mga transaksyon ng naturang mga tanggapan.

Ayon kay Laggui, hindi na rin kailangan ipasa ang mga dokumento na ibibigay ng Kawanihan ng Pamatay Sunog o BFP at City Health Office o CHO dahil diretso na ito sa sistema ng BPLO kung kukuha ng Business Permit ang mga mangangalakal.

--Ads--

Ang sistemang ito ay bahagi ng pagpapabilis sa mga serbisyo ng pamahalaang lunsod.

Kaugnay nito, ay isusunod ng pamahalaang lunsod ang paglalagay ng mga free wifi sa mga matataong lugar at pagpapalakas ng internet connection sa lunsod ng ilagan.

Samantala, kasabay ng naturang aktibidad ay papasinaya rin sa bagong gusali ng City Disaster Risk Reduction and Management Council at ililipat doon ang Incident Comand Center ng Rescue 1124.

Ayon kay General Services Officer Ricky Laggui, bukod sa mga monitor ng mga nakakalat na CCTV sa lunsod ay mayroon ding nakalagay na kagamitan para monitoring sa first responders sa mga barangay.