--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilahukan ngayong araw ng libu-libong atleta mula sa Northern at Southern Luzon ang opening ceremony ng Luzon Philippine Little League Baseball Series 2023 na magtatagal February 12, 2023.

Ang parada na pinangunahan ng mga opisyal ng pamahalaang Lunsod ng Ilagan, Little League Baseball officials, officiating officials at mga atleta ay nagsimula sa City patungong Ilagan Sports Complex

Ang mga manlalaro ay ang mula sa 71 team na ang ilan ay kinabibilangan ng Lunsod ng Cauayan, Agoncillo, Antipolo, Dasmarinias, General Trias, Lipa, Tanauan, Kalinga, Mt Province, Tabuk City, Baguio City , Smokey Mountain, ,Quezon City, Bulacan Marikina, Pasig, Ilocos Norte, Zambales, Nueva Ecija West, Nueva Ecija East, Taguig at iba pa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Michael Zialcita, District Administrator ng Little League Phils. na namangha sila sa pagiging host ng Lunsod ng Ilagan.

--Ads--

Malaki ang kanilang pasasalamat sa mainit na pagtanggap sa mga delegado ng mga opisyal ng pamahalaang Lunsod ng Ilagan sa pangunguna ni City Mayor Jose Marie Diaz.

Anya excited na ang lahat ng mga atletang makapaglarong muli matapos ang dalawang taong hindi nakapaglaro.

Sinabi pa niya na ang mananalo sa Luzon Philippine Little League Baseball Series 2023 ay magiging kalahok sa gaganaping final Series sa April 22, 2023 na gaganapin din sa Lunsod ng ilagan.

Ang mananalo sa final series ay magiging lalahok sa Asia Pacific Regional at sinumang mananalo rito ay uusad sa World Series.

Ipinagmalaki din ni Zialcita na 144 ng mga softball players ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ay galing a little league, 25 ng Softball National Team ay galing sa little league.

Palatandaan anya ito na maganda ang tinatahak ng isinasagawa nilang little league series.

Nagtapos naman ang opening ceremony sa Fireworks display sa City of Ilagan Sports Complex.