--Ads--

CAUAYAN CITY – Suspendido ang operasyon ng mga tanggapan ng pamahalaang bayan hanggang araw ng byernes dahil sa pagpositibo ng ilang empleyado sa Covid 19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Joelle Mathea Panganiban, sinabi niya na sa kanilang isinagawang antigen testing sa mga empleyado ng munispyo nitong lunes ay walo ang antigen positive kaya agad silang sumailalim sa RT PCR Test at hinihintay pa ang resulta.

Ayon kay Mayor Panganiban karamihan sa mga nasabing empleyado ay asymptomatic.

Aniya mula sa ibat ibang tanggapan ang mga empleyadong nagpsoitibo sa

--Ads--

Bilang pag iingat ay pansamantalang susupindehin ang operasyon ng pamahalaang bayan upang hindi mahawaan ang mga negatibo sa antigen test at makapag isolate naman ang mga nagpositibo habang hinihintay ang resulta ng kanilang swab test.

Mananatili namang bukas ang kanilang RHU at MDRRMO bagamat may dalawang empleyado ang mula sa nasabing tanggapan dahil may mga kawani namang hindi nila nakasalamuha na maaari pa ring pumasok.

Kasalukuyan na rin ang kanilang isinasagawang contact tracing at disinfection sa mga opisina ng mga empleyadong nagpositibo.

Batay sa pinakahuling datos nasa 245 na kabuuang kumpirmadong kaso ang bayan ng Angadanan at may dalawang barangay na nakalockdown pangunahin na ang Brgy Fugaru na may pitumput apat na kaso at Brgy Liwliwa na may dalawampung kaso kaya maghihigpit na ang mga barangay sa kanilang mga checkpoint upang hindi na kumalat pa ang virus sa lugar.

Hindi na papayagan ang anumang social gathering sa nasabing bayan at mas mag-iistrikto na ang pamahalaang lokal sa mga papasok na mamayan sa kanilang bayan.

Nagsasagawa ng aggressive mass swab testing ang pamahalaang lokal sa mga barangay na nilockdown upang matiyak na kapag tapos na ang lockdown ay wala nang natira pang carrier ng virus sa lugar.

Ang bahagi ng pahayag ni Mayor Joelle Mathea Panganiban.