--Ads--

CAUAYAN CITY- Pag-operate ng taxi ang nakikitang alternatibo ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide ( PISTON) Isabela sa pagphase out ng mga lumang jeep sa Cauayan City

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Rolando Sayago, Pangulo ng PISTON Isabela na balak ng kanilang grupo na mag-open ng franchise ng taxi sa Cauayan City.

Ipinaalam na anya nila ito sa Punong Lunsod ng Cauayan aang kanilang hakbang na pag-operate ng taxi sa lunsod ng Cauayan.

Sakali anyang aprubahan anya ito ng Land Transportation Office ay mag-ooperate ang taxi sa 2022 na palugit naman sa tuluyang pagphase out sa mga jeep.

--Ads--

Dito sa Cauayan City ay tricycle ang pangunahing transportasyon na ginagamit ng mga mamamayan.