--Ads--

CAUAYAN CITY – Ligtas sa kamatayan ang isang opisyal ng isang bangko sa Cauayan City matapos na hagisan ng granada ang kanyang sasakyan habang binabagtas ang daan sa San Andres, Cabatuan Isabela.

Ang biktima ay si Erwin Tabucol,  56 anyos, board of director ng Ficobank at  residente ng San Rafael Roxas, Isabela.

--Ads--

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cabatuan Police Station, mismong si Tabucol  ang nagreport sa nasabing pangyayari.

Batay sa salaysay ni Tabucol, bumalandra sa windshield ng kanyang sasakyan ang granada na inihagis ng lalaking sakay ng motorsiklo.

Nahulog ang granada at sumabog sa daan at sinasabing nasugatan ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa tangkang pagpatay kay Tabucol sa pamamagitan ng paghahagis ng granada sa kanyang sasakyan.