--Ads--

Ikinasa ng COMELEC Cauayan ang Oplan baklas sa pagsisimula ng Local Campaign Period.

Katuwang ng COMELEC dito ang PNP, BFP at DENR.

Ilan sa mga binaklas ay ang mga campaign materials na wala sa tamang lugar at karamihan dito ay mga National Candidate.

Sa ngayon ay inaantabayanan kung may mga Local candidates ba ang unang masasampolan  dahil mula ngayong araw ay pormal na silang kinikilala bilang mga kandidato para sa halalan.

--Ads--

Ilan sa sinilip ay ang mga lumabag sa Election code partikular ang paglalagay ng oversize banners, at mga campaign materials na paulit ulit na lalabag sa kanilang panuntunan.

Paalala ni City Election OFficer Atty. Johannah Vallejo na ang mga nasamsam na campaign materials ay hindi na ibabalik sa mga kandidato.

Ang mga nakitaan ng paglabag ay padadalhan ng notice ng COMELEC.