CAUAYAN CITY – walang nakumpiskang delikadong kantrobando ang BJMP Santiago City Distric Jail sa isinagawang Oplan Greyhound o oplan galugad.
Ang naturang operasyon ay sa pakikipagtulungan ng mga kasapi City Mobile Force Company, Mobile Patrol Group at Bureau of Fire Protection.
Sa isinagawang Oplan Galugad ay pinalabas mula sa kanilang mga selda ang mga 819 na mga lalaking inmates bago ginalugad ang kanilang 17 selda.
Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa BJMP Santiago City Distric Jail, 587 mula sa 918 na mga bilanggong lalaki ay dahil kasong may kaugnayan sa droga.
Sa paglabas palang ng mga inmates ay nakumpiska na sa kanila ang kanilang mga belts na isa mga ipinagbabawal sa loob ng kulungan.
Karamihan naman sa nakumpiska sa loob ng kulungan ang mga hindi kinakailangan gamit o mga basura tulad ng sirang elesy ng electric fan, damit na ginawang pamunas, kutsara, at iba pang kagamitan na maaaring hindi pa alam ng mga bagong inmates na bawal ito.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Jail Supt. Roger Antonio na walang pangunahing kontrabando ang nakumpiska mula sa mga inmates, dagdag pa nito ang madalas na isinasagawa nilang oplan galugad sa kanilang nasasakupan.
Samantala wala ring nakumpiskang ipinagbabawal na gamit o anumang kontrabando sa mga selda ng mga kababaihan dahil sa madalas nilang pagsasagawa ng oplan galugad.




