--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakakalat na ang tauhan ng Department of Environment and Natural Resources Isabela sa iba’t ibang lugar upang manghuli sa mga magpupuslit ng mga endagered species na hayop at halaman.

Bahagi ito ng oplan holy week ng tanggapan na naglalayong masabat ang mga iligal na magpupuslit ng mga ipinagbabawal na hayop at halaman mula sa kabundukan na magtatagal hanggang sa Linggo, April 20.

Ayon kay Officer In Charge Jose Queddeng, Community Environment and Natural Resources Officer dito sa Cauayan at karatig bayan, ang operasyon ngayong long holiday ay upang masabat ang mga magsasamantala ng bakasyon upang magpuslit ng mga endagered species.

Base sa tala, may mga nahuli na sa airport na nagpuslit ng mga hayop at halaman na mahigpit na ipinagbabawal ng Kagawaran.

--Ads--

Ito ang dahilan kung bakit naglagay ang DENR ng mga tauhan sa airport upang masabat ang mga magpupuslit ng mga nabanggit.

Sa datos ng ahensiya, may mga nasampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act dahil sa pagpupuslit ng mga ipinagbabawal na na hayop at halaman.

May mga nahulian na rin ngayong taon na sa kasalukuyan ay sumasailalim ng imbestigasyon.

Nagsimula ang oplan hily week noong Lunes, April 14 at magpapatuloy hangang sa Linggo, April 20.