Nagsagawa ng orange run for a cause ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan katuwang ng iba’t-ibang ahensiya bilang bahagi ng pagsisimula ng 18 Day Campaign to end Violence Against Women.
Dinaluhan ito ng iba’t-ibang government agencies, LGU officers, State Universities at iba pang concerned groups sa Cauayan City, Sports Complex para makiisa sa nasabing fun run.
Ngayong araw ang opisyal na pagsisimula ng 18 Days Campaign at nakatakdang matapos sa ika-12 ng Disyembre.
Ayon sa mga ilang dumalo sa nasabing kick-off ng aktibidad, napakahalaga na maipakita ang pagsuporta ng mga kababaihan lalo na mayroon pa ring naitatala na pang-aabuso sa mga ito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Harvey Alejandro ang NSTP Director at Dean ng College of Criminal Justice Education ng ISU Cauayan Campus, sinabi niyang marami sa kanilang estudyante ang nakiisa sa ginawang kick-off ngayong araw. Aniya, kahit nagkaroon ng pag-ambon kaninang madaling araw ay minabuti nila na sumali at makita rito bilang pagpapakita ng suporta.
Dagdag rin ng direktor na marami rin ang concerned agencies ang kasama nilang nakikiisa rito sa layuning magbigay ng pagkilala sa mga dinaranas ng ilang mga kababaihan.










