--Ads--

CAUAYAN CITY- Kinuwestiyon ni Engr. Ricardo Alonzo ang City Agriculturist ng Cauayan City kung ano ang mga hakbang na gagawin ng Sanguniang Panlalawigan matapos na matuklasan na nagkakaroon ng sabwatan ang farmer at trader sa paggamit ng RSBSA Certificates.

Giit niya na bagamat totoo na silang mga MAO ang nagcecertify sa RSBSA membership ng mga magsasaka ay hindi na nila ito na momonitor oras na maibigay na sa farmer.

Panukala niya na sana ay mapag-aralan ang pagbalangkas ng ordinansa na magbibigay ng parusa sa mga magsasakang nagpapagamit sa mga traders.

Sana din aniya ay magkaroon ng regulasyon para matiyak na lahat ng magsasaka ay mabigyan ng pagkakataon na makapagbenta ng palay sa NFA, lalo at halos limang bahagdan lamang ng kabuuang bilang ng mga magsasaka ang nakakapagbenta.

--Ads--

Suhestiyon niya na mamonitor ang mga magsasaka na nakapagbenta na upang hindi na muli sila mapahintulutang magbenta sa susunod na anihan na magbibigay daan sa iba pang mga magsasaka na nagnanais din na magbenta ng kanilang aning palay.

Samantala binigyang diin naman ni SP Member Jose Panganiban na una pa lamang sa pagtatala sa RSBSA membership ay dapat monitored na ng mga MAO ang mga magsasaka na talagang may lupang sinasaka.

Dapat aniya mayroong listahan ang mga MAO’s kung sino sino ang mga magsasaka na nakapagbenta na ng palay sa isang cropping season.

Nais niya na mapagtulungan ang pagsugpo sa anomalya na magsisimula sa mga MAO alinsunod sa pagbibigay ng certificate dahil may mga pagkakataon na may certificate na naibibigay sa isang magsasaka kahit hindi naman nakapagtanim sa loob ng isang cropping season.