--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihain sa Sangguniang Bayan ng Naguillian, Isabela ang isang panukalang ordinansa na bago makakuha ang mga mamamayan ng kanilang barangay clearance ay dapat na maging requirement ang resulta ng kanilang sasailalimang drug test.

Inihain ni SB Member Roberto Parado na layunin ng kanyang inihaing ordinansa ay para lubusang makatulong sa kampanya ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na droga.

Sinabi pa ni SB member Parado na alam niya na ito ay tatanggihan ng karamihan ng kanyang mga kasamahan ngunit wala naman umanong masama kung ihahain pa rin niya at kung makakalusot ay idadaan pa rin ng pampublikong pagdinig upang malaman ang pulso ng mga mamamayan kung sila ay sang-ayon dito.

Si SB Member Parado ay dating opisyal ng binuwag na Phil. Constabulary at chairman ng peace and order committee ng SB Naguillian.

--Ads--