CAUAYAN CITY- Pinag-aaralan ng Lokal na konseho ang pag papasa ng ordinansang magbabawal sa mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s beneficiaries na masangkot sa mga iligal na gawain.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sanguninang Bayan Member Fred Alili sinabi niya na pinag-aaralan ngayon ang paghahain ng ordinansang nagbabawal sa mga 4P’S beneficiaries na masangkot sa anumang iligal na gawain gaya ng pagsusugal.
Ito ay nag ugat s ailang reklamo na kanilang natatanggap kung saan napag-alaman na may ilang mga miyembro ang isinasanla ang knailang ATM maliban pa sa ilang sangkot sa pagsusugal na madalas nag tatago.
Layunin nito na masolusiyunan ang matagal na problema sa nga benipisyaryong ginagamit ang tulong mula sa Pamahalaan sa mga bisyo gaya ng akal at iligal na droga.
Maliban dito may ilang reklamo ng mga benepisyaryong dalawang beses sa isang taon na nakakatanggap ng ayuda mula sa DSWD sa halip na isang beses lamang.
Ang sinomang maaaktuhan o mapapatunayang lumalabag dito ay bibigyan ng warning para sa 1st offense habang may ibibigay na counseling para sa 2nd offense at ang huling paglabag ay maaaring pagsuspinde o delisting di kaya matanggal bilang 4p’s beneficiaries.